3 drug suspects, arestado ng Gloria MPS; mahigit Php400K halaga ng hinihinalang shabu, kumpiskado

0
70
Screenshot

Naaresto ang tatlong suspek kasunod ng isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Sitio Rosal, Brgy. Agos, Gloria, Oriental Mindoro, dakong 7:30 ng umaga noong Nobyembre 12, 2026.

Bahagi sa operasyon ang Gloria Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) MIMAROPA, katuwang ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Team (PIT) ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (PPO), Regional Intelligence Unit 4B, at PDEA Oriental Mindoro.

Nasamsam sa operasyon ang isang plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php408,000. Narekober din ang buy-bust money na nagkakahalaga ng Php1,000 na nakapatong sa boodle money, isang weighing scale, at dalawang cellular phone.

Binigyang-diin ni PCol Efraim A Camara, Provincial Director ng Oriental Mindoro PPO, na patuloy na palalakasin ng kapulisan ang pakikipagtulungan sa PDEA at iba pang katuwang na ahensya upang mapigilan ang pagkalat ng ilegal na droga sa lalawigan alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

“Patuloy nating palalakasin ang ating kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng mas pinaigting na operasyon at koordinasyon sa ating mga katuwang na ahensya. Hindi natin titigilan ang pagsisikap na panagutin ang mga sangkot sa ilegal na droga at protektahan ang ating mga komunidad,” pahayag pa ni PCol Camara.

Patuloy namang hinihikayat ng Oriental Mindoro PPO ang publiko na makipagtulungan at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang impormasyong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19k7V9w6Py/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply