QCPD, mabilis na sumaklolo sa na-stranded na motorista sa kahabaan ng Katipunan Avenue

0
44

Mabilis na sumaklolo ang Quezon City Police District (QCPD) sa isang na-stranded na motorista matapos mapansin ng mga tauhan ng District Tactical Motorized Unit (DTMU) ang isang service vehicle na nawalan ng gasolina sa kahabaan ng Katipunan Avenue corner White Plains, Quezon City, alas 4:07 ng madaling-araw, noong Setyembre 22, 2026.

Sa pamumuno ni Police Brigadier General Christopher Olazo, Acting District Director, agad na nilapitan ng mga tauhan ng DTMU, sa pamumuno ni Police Major Anthony Co, ang driver at nagpaabot ng kinakailangang assistance. Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ang mga pulis ng police visibility operations sa lugar.

Ipinakikita ng simpleng pagtulong na ang serbisyo ng pulisya ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi pati sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng publiko. Kaakibat nito ang patuloy na pagsusulong ng QCPD at PNP sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: QCPD (https://www.facebook.com/share/v/1ExnGTtZTG/)

Leave a Reply