Pure Bayanihan ng 101st Maneuver Company RMFB1, naghatid ng Agricultural Supply sa Ilocos Norte

0
1283

Naging matagumpay ang aktibidad na Pure Bayanihan na isinagawa ng 101st Maneuver Company, RMFB1 sa Barangay Dadaor, Bangui, Ilocos Norte noong September 3, 2025, kung saan nakatanggap ng tulong ang Zanjera Lipsoc Farmers Association bilang bahagi ng layunin na makapagbigay ng 1 milyon livelihood projects upang labanan ang kahirapan.

Sa pamamagitan ng pondong nagkakahalaga ng Php333,350 mula Estados Unidos, naipambili ng mga agricultural supply na ipinamahagi sa mga magsasaka. Lubos ang pasasalamat ng asosasyon at barangay sa biyayang natanggap na inaasahang makatutulong upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Dinaluhan at sinuportahan ang aktibidad nina Police Colonel Dominic B. Guerrero, Chief ng Regional Community Affairs and Development Division; Police Colonel Fidel D.G. Junio, Acting Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 1; at pinamunuan ni Police Captain Jomar C. Motiong, Acting Company Commander ng 101st Maneuver Company, RMFB1. Naging katuwang din sa proyekto si Ms. Jannah Endrina, Project Associate ng Pure Bayanihan, na nagsilbing tulay upang maisakatuparan ang inisyatiba.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling naipakita ang diwa ng bayanihan, na sa pagtutulungan ng pulisya at mamamayan, aangat ang komunidad tungo sa mas maunlad na pamumuhay para sa Bagong Pilipinas.

Ipinapakita rin ng Police Regional Office 1 na hindi lamang laban sa kriminalidad ang kanilang tinututukan, kundi pati na rin ang pagbibigay ng kabuhayan at pag-angat ng pamayanan. Patunay ito na ang pulis ng Region 1 ay tunay na Maaasahan, Malalapitan, at Mapagkakatiwalaan.

Source: 101st Maneuver Company, RMFB1 FB Page

Panulat ni PMSg Robert Basan Abella Jr