Proficiency Shoot 2, isinagawa ng Nueva Ecija PNP

0
496

Isinagawa ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Ferdinand D. Germino, Provincial Director, ang NEPPO Proficiency Shoot 2, na ginanap sa NEPSA Firing Range, Barangay Kalikid Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang ika-21 hanggang 22 ng Hunyo, 2025.

Ang paligsahan ay binubuo ng limang stage na nangangailangan ng hindi bababa sa 124 na bala.

Layunin nitong hasain ang kakayahan ng mga pulis sa paggamit ng baril, habang pinalalakas ang kanilang teamwork at camaraderie.

Hindi lamang mga uniformed personnel mula sa iba’t ibang bayan ng Nueva Ecija ang lumahok, kundi pati na rin ang ilang civilian gun enthusiasts, na nagpapakita ng mas pinatibay na ugnayan sa pagitan ng pulisya at komunidad.

Isinusulong din sa aktibidad ang responsableng pag-aari at paggamit ng baril sa pamamagitan ng disiplina at sportsmanship.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PCol Germino ang kahalagahan ng aktibidad, at sinabing: “Ang shooting fest na ito ay napapanahon at sumasalamin sa panawagan ng ating bagong PNP Chief, Police General Nicolas D. Torre III, para sa mas malalim na kasanayan ng bawat pulis sa tamang paghawak ng baril. Paalala rin ito na ang tuloy-tuloy na pagsasanay ay susi sa kahandaan.”