Most Wanted Person sa kasong Rape, arestado sa Panabo City

0
320

Arestado ang isang Most Wanted Person na isang magsasaka sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa kasong Rape by Carnal Knowledge noong Hunyo 21, 2025 sa Purok 1-A, Barangay Santa Cruz, Panabo City, Davao del Norte.

Ang pagkakaaresto ay bahagi ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) na isinagawa sa pangunguna ng   Tracker Team at WCPD Investigator ng Panabo City Police Station, katuwang ang mga operatiba mula sa 2nd Davao del Norte Provincial Mobile Force Company (DNPMFC), Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) San Nicolas Cluster, DNPIDMU, at DNPIU.

Kinilala ang suspek na si alyas “Tristan”, 25 anyos na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape by Carnal Knowledge.

Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa mga kriminal at upang matiyak ang hustisya para sa mga biktima ng karahasan.

Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino