Bilang pakikiisa sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 2026 National Disaster Resilience Month, dumalo si PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2), sa Culminating Activity na tampok ang Fire and Rescue Road Show Capability Demonstration, na ginanap noong Hulyo 31, 2026 sa Capitol Arena, Alibagu, City of Ilagan.
Ang aktibidad ay nagsilbing pagkakataon upang maipakita ang kahandaan, koordinasyon, at operational capabilities ng iba’t ibang response agencies sa pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency. Sa pamamagitan ng mga capability demonstration, naipamalas ang kahalagahan ng mabilis, organisado, at magkakaugnay na pagtugon ng mga ahensya sa panahon ng kalamidad.
Kasabay nito, muling pinagtibay ng mga kalahok ang kanilang pangako sa pagpapatibay ng inter-agency collaboration at pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapalakas ang disaster preparedness at resilience ng mga komunidad.
Patuloy na nakikiisa ang Police Regional Office 2 sa mga inisyatibang nagsusulong ng disaster resilience at pagpapalakas ng ugnayan sa mga partner agencies upang matiyak ang kaligtasan at patuloy na makapaghatid ng ‘serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman’ sa Lambak ng Cagayan.
Source: PNP Police Regional Office 2



