PRO2, nagsagawa ng Election Duties orientation seminar para sa  mga deployable PNP personnel

0
53

Matagumpay na isinagawa ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang orientation seminar para sa mga PNP personnel na itatalaga sa election duties noong Agosto 25, 2026, bilang paghahanda sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa panahon ng halalan.

Pinangunahan ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director, ang aktibidad, katuwang sina PCol Alberto A. Calimag, Chief, RCADD; PMaj Sharon C. Mallillin, Regional Public Information Officer; mga miyembro ng Sub-Task Group PCR; at virtually, ang mga Chiefs of Police at Chiefs of PCADUs ng mga PPOs/CPO.

Nakatuon ang seminar sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga personnel hinggil sa election laws, rules, regulations, policies, at guidelines, partikular sa election security, mga ipinagbabawal na gawain, at pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders. Binigyang-diin din ni RD Rodriguez ang kahalagahan ng propesyonalismo, disiplina, pagiging impartial, at mahigpit na pagsunod sa batas, gayundin ang pagpapanatili ng pagiging non-partisan ng bawat police officer sa buong panahon ng halalan.

Nagbigay naman si Atty. Bryan Tagao, Election Officer III ng COMELEC Sto. Tomas, Isabela, ng komprehensibong lecture hinggil sa mahahalagang probisyon ng COMELEC Resolution No. 11067, kabilang ang gun ban, pagtatatag at operasyon ng COMELEC checkpoints, deklarasyon ng election areas of concern, mga lugar na maaaring mapasailalim sa COMELEC control, at iba pang mahahalagang usapin sa seguridad ng halalan.

Patuloy na isinusulong ng PRO2 ang mga hakbangin upang matiyak ang kapayapaan, kaayusan, seguridad, at kredibilidad ng nalalapit na halalan, habang sinisiguro na ang bawat police personnel ay may sapat na kaalaman at disiplina, at patas sa pagtupad ng tungkulin at pangangalaga sa demokratikong proseso.

Source: PNP Police Regional Office 2

Leave a Reply