PRO11, nakiisa sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2026

0
47

Aktibong nakiisa ang pamunuan ng Police Regional Office 11 (PRO11) sa isinagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Benigno L Guzman, Acting Director, na ginanap sa Camp Sgt. Quintin M. Merecido, Buhangin, Davao City noong Huwebes, Nobyembre 5, 2026.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Cabantian Fire Station upang masubok at higit pang mapahusay ang kahandaan at kakayahan ng mga tauhan sa pagtugon sa mga emergency at sakuna.

Binigyang-diin din dito ang kahalagahan ng pagsunod sa wastong pamamaraang pangkaligtasan, partikular ang “Duck, Cover, and Hold” na dapat isagawa sa oras ng lindol.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, patuloy na pinagtitibay ng PRO 11 ang adhikain nitong pangalagaan ang kaligtasan ng publiko, palakasin ang kahandaan sa panahon ng kalamidad, at tiyakin ang maagap at epektibong pagtugon sa mga emergency upang maprotektahan ang buhay at matulungan ang mga komunidad bago, habang, at pagkatapos ng anumang sakuna.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19tTBdpGzz/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply