Nagsagawa ng mahigpit na seguridad ang mga tauhan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa pamumuno ni Police Brigadier General Christopher M Abecia, Regional Director, sa isinagawang pagbisita ni His Excellency President Ferdinand R Marcos Jr., nito lamang Hunyo 22, 2026, sa Tactical Operations Group 12, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Personal ding pinangasiwaan ng PRO BAR ang kabuuang seguridad at maayos na deployment ng kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang katuwang na ahensya, matagumpay na napanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong pagbisita sa rehiyon. Patunay ng patuloy na dedikasyon ng PRO BAR sa pagtiyak ng seguridad ng publiko at pagsuporta sa mga pambansang programa ng pamahalaan na layunin ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region



