Mainit na sinalubong ng Police Regional Office 6 (PRO6) si Police Brigadier General Marcelo B Dayag, Director ng PNP Training Service, sa kanyang opisyal na pagbisita nito sa Camp General Martin Teofilo B. Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City noong ika-20 ng Agosto, 2025.

Pinangunahan ni PBGen Joseļ¬no D Ligan, Regional Director ng PRO6, ang pagsalubong kasama ang Command Group, Regional Staff, Regional Chiefs ng NSUs, at iba pang mga personnel ng PRO6.
Bilang bahagi ng aktibidad, nasaksihan ni PBGen Dayag ang isang simulation exercise na nagpakita ng kakayahan ng PRO6 na makaresponde sa loob lamang ng limang minuto.

Binigyang-diin naman ni PBGen Ligan ang kahalagahan ng Integrated Command and Control Center na nagsisilbing mahalagang pasilidad para sa real-time monitoring, situational awareness, at operational coordinationāmga kritikal na salik upang makamit ang layunin ng rehiyon na magkaroon ng 5-minute response time sa buong Western Visayas.

Isa sa mga tampok ng pagbisita ang inspeksyon ni PBGen Dayag sa Firearm Simulator System na matatagpuan sa PRO6 Multi-Purpose Building.
Layunin ng pagsisiyasat na tiyaking nananatiling maayos at maaasahan ang pasilidad upang higit pang mapaunlad ang kakayahan sa marksmanship, decision-making, at operational readiness ng mga pulis sa rehiyon.

Sa kanyang pagbisita, binigyang-diin ni PBGen Dayag ang kahalagahan ng pagpapanatili ng makabagong pasilidad na gumagamit ng teknolohiya, na nagsisilbing mahalagang bahagi sa pagpapalakas ng kakayahan at paghubog sa kasanayan ng kapulisan sa Western Visayas.
Source: PRO6 Official FB PAGE



