Porac PNP, matagumpay na nailikas ang mga residente sa Sitio Pidpid sa gitna ng pananalasa ng “Habagat”

0
29

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang Porac Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PLtCol Paul Benjamin B. Mandane, Chief of Police, katuwang ang Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Porac Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), upang mailikas ang mga residenteng naapektuhan ng pananalasa ng “habagat” sa Sitio Pidpid, Porac, Pampanga, noong Agosto 29, 2026.

Nagsimula ang operasyon alas 4:00 ng hapon at nagtapos alas 8:00 ng gabi, kung saan matagumpay na nailikas patungo sa ligtas na lugar ang mga bata, matatanda, at mga buntis. Sa pamamagitan ng maagap na pagkilos ng mga responder, nabigyan ng agarang tulong at proteksiyon ang mga residenteng nangangailangan ng paglikas.

Ipinamalas ng Porac MPS at ng mga katuwang na ahensya ang mahusay na koordinasyon, pagtutulungan, at dedikasyon sa pagtugon sa mga sitwasyong pang-emergency upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Ang matagumpay na rescue operation ay bahagi ng patuloy na malasakit at serbisyong pangkomunidad ng PNP, lalo na sa panahon ng kalamidad at masamang panahon, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Porac MPS (https://www.facebook.com/share/19RCspnM5E/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply