PNP Urbiztondo, pinangunahan ang rescue operation sa mga apektadong residente sa Brgy.  Malibong dulot ng “Habagat”

0
228

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, ipinamalas ng mga tauhan ng Urbiztondo Municipal Police Station ang kanilang kahandaan at malasakit sa mamamayan matapos pangunahan ang rescue operation para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Brgy. Malibong, Urbiztondo, Pangasinan, noong Agosto 30, 2026.

Sa pamumuno ni PMaj Fernan L. Rivera, Chief of Police ng Urbiztondo Municipal Police Station, mabilis na kumilos ang mga pulis upang matiyak ang kaligtasan at agarang paglikas ng mga residenteng nasa mga lugar na naapektuhan ng pagtaas ng tubig.

Nakipagtulungan ang Urbiztondo MPS sa Urbiztondo Local Government Unit (LGU), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang rescue teams upang maisagawa ang maayos at ligtas na operasyon.

Sa gitna ng mapanganib na kondisyon dulot ng walang tigil na pag-ulan at pagbaha, nanatiling nakahanda ang mga kapulisan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mabilis na koordinasyon at sama-samang pagkilos, matagumpay na naihatid sa ligtas na lugar ang mga residenteng nangangailangan ng agarang saklolo.

Ang naturang rescue operation ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan at ng mga rescue personnel sa harap ng anumang panganib.

Panulat ni PMSG Carmela G Danguecan

Source: Ubiztondo MPS

Leave a Reply