PBGen Mendez, pinangunahan ang pamamahagi ng relief assistance sa mga PNP personnel na apektado ng “Habagat”

0
251

Personal na nakibahagi si PBGen Jess B. Mendez, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), sa pamamahagi ng relief assistance sa mga tauhan ng PRO3 na naapektuhan ng pagbaha, na isinagawa noong Agosto 31, 2026 sa Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga.

Sa kabila ng epekto ng pagbaha sa kanilang sariling tahanan at pamilya, patuloy na pumasok sa tungkulin ang maraming police personnel at tumugon sa pangangailangan ng mga komunidad na nasalanta ng baha. Para kay PBGen Mendez, mahalagang matiyak ang kapakanan ng mga tauhan na patuloy na naglilingkod sa publiko, bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa panahon ng kalamidad.

Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa malasakit ng pamunuan ng PRO3 sa kapakanan ng mga police personnel, kasabay ng patuloy na pagtupad sa tungkulin para sa komunidad. Isinusulong nito ang adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” kung saan ang mahusay na pamumuno ay higit na nararamdaman sa panahong higit na nangangailangan ng suporta ang mga naglilingkod at ang mga mamamayan.

Source: PRO 3

Leave a Reply