Tiniyak ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., Acting Chief ng Philippine National Police (PNP), ang pagsampa ng ‘airtight’ na kaso laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Matapos ang isinagawang inspeksyon ni PLtGen Nartatez noong Lunes, Nobyembre 24, 2025, sa nasa halos 100 kahon ng mga dokumento, case folders at investigation reports na naisumite sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), inatasan niya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na siguruhin ang tamang kasong isasampa sa mga kontratista.
Ang pagpapaigting ng pulisya sa imbestigasyon ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na papanagutin ang lahat ng nagkamal sa kaban ng bayan dahil sa kaliwa’t kanang katiwalian sa mga proyektong pambayan.
Pagbibigay-diin ng Hepe, kaisa sila ng administrasyon para tiyakin ang transparency at accountability sa isinasagawang imbestigasyon, at tuluyan ng magkaroon ng hustisya para sa taong bayan.
Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2025/11/27/2490073/airtight-na-kaso-vs-sangkot-sa-flood-control-tiniyak-ng-pnp



