PNP, pinaiigting ang humanitarian efforts sa mga apektado ng Bagyong Verbena sa Visayas

0
660

Sa gitna ng paghahanda ng Pambansang Pulisya sa nakatakdang malawakang Trillion Peso March sa Nobyembre 30, 2025, hindi alintana ng PNP ang pagod at sakripisyo makapaghatid lamang ng agarang tugon sa mga komunidad na nasalanta ng Bagyong Verbena sa ilang bahagi ng Visayas.

Ayon kay Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., Acting PNP Chief, nakadispatch na ang mga concerned police units para tiyakin ang ligtas na paglikas ng mga residente sa mga high-risk areas bunsod ng patuloy na pagbaha, at mapanatili ang kaayusan sa mga evacuation.

“We mobilized and deployed many of our personnel and all the available resources on the ground to assist all our kababayan—from evacuation and rescue operations to securing evacuation centers and assisting in disaster response,” ani PLtGen Nartatez.

Ilan sa mga binigyan ng agarang tugon ay ang paglikas ng mga na-stranded na mga residente ng Sitio Plywood sa Barangay Ubos, Bayawan City dahil sa pagtaas ng tubig-baha na pumasok sa kanilang mga tahanan. Sa buong Negros Occidental at Negros Oriental, ang mga yunit ng pulisya sa Guihulngan, Hinigaran, at Pamplona ay nagsagawa ng river monitoring, rescue at clearing operations, at sinubaybayan ang mga evacuees upang siguruhin ang kanilang kaligtasan.

Hanggang ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang hakbang ng mga kapulisan katuwang ang ibang mga ahensya at volunteers upang sama-samang makaphatid ng kaukulang tulong sa mga apektado ng kalamidad.