PNP Patrollers Cheer Dance Team, nasungkit ang 3rd place sa ginanap na 2nd Philippine Cheer Union National Grand Prix 2026 sa Quezon City

0
107

Nasungkit ng koponan ng PNP Patrollers Cheer Dance Team ang 3rd Place sa Open Coed Cheer Advance Category sa isinagawang 2nd Philippine Cheer Union National Grand Prix 2026 na ginanap sa MRB Gymnasium, Quezon City, noong Oktubre 23-24, 2026.

Nagpasiklaban at ipinakita ng mga miyembro ng PNP Patrollers Cheer Dance Team ang kanilang angking talento sa pagsasayaw na may disiplina at indayog bunga ng ilang buwang pagsasakripisyo sa paghahanda para sa naturang kompetisyon.

Samantala, nagpakita naman ng buong suporta sina Mrs. Mary Rose O Naratatez, Adviser ng PNP OLCFI, Mrs. Virginia Lopez, at PBGen Vina H Guzman, Director ng Police Community Affairs and Development Group

Ang panalo ng PNP Patrollers Cheer Dance Team sa Open Coed Cheer Advance Category ay patunay ng kanilang husay, disiplina, pagkakaisa, at dedikasyon na naging posible dahil sa walang sawang suporta ni PGen Jose Melencio C Naratatez Jr., Chief, PNP. Ipinakita nito na sa pamamagitan ng masigasig na pagsasanay at pagtutulungan, makakamit ang tagumpay at maipagmamalaki ang kanilang talento sa larangan ng cheerleading habang ginagampanan ang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan at protektahan ang mamamayan alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni: PMSg Grace Orti

Leave a Reply