PNP, nakahanda na sa 3-day INC rallies

0
1212

Hindi nagkibit balikat na inihayag ng buong pwersa ng kapulisan ang kanilang kahandaan sa inaasahang tatlong araw na rally na nakatakdang isagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2025.

Sa pamumuno ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., Acting PNP Chief, mahigit 15,000 pulis ang nakatakdang i-deploy sa iba’t ibang inaasahang lokasyon ng protesta sa bansa, lalo na sa kaMaynilaan, upang tiyakin na ang rally ay magsisimula at matatapos nang maayos at ligtas ang bawat lumahok.

Kasama sa mga lugar na inaasahan ng pagdagsa ng mga raliyista ay ang Senate of the Philippines, House of Representatives, Malacanang, Quirino Grandstand, Liwasang Bonifacio, EDSA Shrine, at ang People Power Monument.

Kaugnay dito, una ng naglabas ng anunsyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tungkol sa suspension ng face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralan sa Maynila upang bigyang daan ang pagpapaunlak sa tatlong araw na nakatakdang rally.

Katuwang ang mga Manila Local Government Units at iba pang ahensya, sinisiguro ng PNP ang isang mapayapang papoprotesta. Pinapaalalahanan din lahat ng mga lalahok na raliyista na makipagtulungan sa mga awtoridad at sundin ang mga panuntunan para sa maayos na pagganap ng 3-day rallies.

Source: https://manilastandard.net/news/politics/314667224/pnp-qc-manila-lgus-gear-up-for-3-day-inc-rallies.html#google_vignette