PNP, naka-alerto sa isinagawang demonstrasyon sa Metro Manila ngayong araw

0
377

Nananatiling naka-alerto ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, sa isinagawang kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila kasabay ng selebrasyon ng Labor Day ngayong araw, May 1, 2026.

Mula sa EspaƱa nagsimula na ang pagkilos ng ilang grupo ng mga raliyista patungong Mendiola upang magsagawa ng kilos-protesta para ipaabot ang kanilang mga panawagan sa ilalim ng karapatan sa malayang pamamahayag.

Ayon sa pulisya, nananatiling maayos at organisado ang galaw ng mga kalahok ng nasabing demonstrasyon, ngunit nakaantabay pa rin ang pulisya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at higit sa lahat, maiwasan ang anumang uri ng aberya.

Mahigpit ding ipinapatupad ng buong hanay ang maximum tolerance habang iginagalang ang mga karapatan ng mga raliyista at pinapanatili ang kaayusan ng aktibidad.

Patuloy naman ang real-time monitoring ng Pambansang Pulisya kaugnay sa kaganapan sa buong Metro Manila, maging sa iba pang mga pangunahing lungsod sa bansa upang tiyakin ang ligtas at payapang selebrasyon.

Leave a Reply