EPD, nagtalaga ng mga tauhan para sa seguridad ng Labor Day

0
211

Nagtalaga na rin ng mga tauhan ang Eastern Police District (EPD) bilang bahagi ng malawakang security preparations ng PNP kasabay ng Labor Day celebration ngayong araw, May 1, 2026.

Tinatayang nasa 1,139 PNP personnel ng EPD ang itinalaga upang magbantay sa seguridad sa eastern portion ng Metro Manila, kabilang na ang ilang mga major convergence points; 350 sa mga ito ang idineploy sa Maynila habang 501 naman ang magiging bahagi ng Civil Disturbance Management sa EDSA Shrine.

Nagbaba na rin ng direktiba si Police Brigadier General Alden Lagradante, District Director ng EPD, sa lahat ng mga kapulisan mula Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan na manatiling handa sa kani-kanilang mga areas of responsibility. Aniya “to heighten public awareness and prevent potential crimes during the celebration.”

Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng PNP sa iba’t ibang mga local government units partikular na sa Metro Manila upang matiyak ang matiwasay na selebrasyon ng Araw ng mga Manggagawa partikular na sa mga lugar na pinagdarausan ng ilang mga demonstrasyon.

Leave a Reply