Nagpaalala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay umano ng mga fake security advisories, maling mga emergency alert, at mga misleading online report kaugnay sa pagdaraos ng 49th ASEAN Summit and Related Summits nito lamang darating na November 16–18, 2026.
“As part of heightened security preparations, the PNP has directed police units to monitor online platforms closely and verify suspicious posts involving road closures, security threats, venue restrictions, and alleged emergency incidents. Coordination with the PNP Anti-Cybercrime Group and concerned government agencies is also being strengthened to investigate credible online threats and accounts impersonating police authorities” (Bilang bahagi ng mas mahigpit na paghahanda sa seguridad, inatasan ng PNP ang mga yunit ng pulisya na bantayang mabuti ang mga online platform at beripikahin ang mga kahina-hinalang post na may kinalaman sa pagsasara ng mga kalsada, mga banta sa seguridad, mga paghihigpit sa lugar, at mga umano’y insidente ng emergency. Pinapalakas din ang koordinasyon sa PNP Anti-Cybercrime Group at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang imbestigahan ang mga kapani-paniwalang banta sa online at mga account na nagpapanggap na mga police authorities), pahayag ng PNP.
“We urge the public to verify information before sharing it and to rely only on official PNP and government channels for summit-related announcements. Please do not circulate unverified screenshots, forwarded messages, or claims of security incidents. Report fake advisories and suspicious online activity to the authorities” (Hinihimok namin ang publiko na beripikahin ang impormasyon bago ito ibahagi at umantabay lamang sa mga opisyal na channel ng PNP at gobyerno para sa mga anunsyo na may kaugnayan sa summit. Huwag po sanang magpakalat ng mga hindi beripikadong screenshot, mag-forward ng mga mensahe, o mga pahayag tungkol sa mga insidente sa seguridad nang walang basehan. Agad iulat ang mga pekeng abiso at kahina-hinalang mga aktibidad sa online sa ating mga awtoridad,) dagdag pa ng PNP.
Nanawagan naman ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa kaligtasan at kaayusan ng aktibidad at, higit sa lahat, iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon upang maiwasan ang anumang aberya na makakaapekto sa kaayusan at seguridad habang ipinagdiriwang ang naturang aktibidad sa bansa.
Source: PNP-PIO https://www.facebook.com/share/p/14yyu6EnAmz/?mibextid=wwXIfr

