PNP Isabela, pinalalakas ang kampanya kontra bullying at karahasan sa paaralan sa pagdiriwang ng 31st PCR Month

0
102

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) ng Information and Education Campaign sa Montessori Education Center of Asia Pacific (MECAP), Brgy. Osmeña, City of Ilagan noong Hulyo 11, 2026.

Pinangunahan ni PCpt Niña D. Talbo, Chief ng Family, Juvenile, and Gender and Development (FJGAD)-IPPO, katuwang ang mga tauhan ng Provincial Community Affairs and Development Unit at Provincial Investigation and Detective Management Unit, ang nasabing aktibidad.

Tinalakay sa programa ang Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law), Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, at mga Safety and Security Protocols para sa mga mag-aaral at administrador ng paaralan.

Layunin nitong palawakin ang kaalaman ng mga magulang at kawani ng paaralan sa pag-iwas, wastong pag-uulat, at maagap na pagtugon sa bullying, online harassment, gender-based sexual harassment, at iba pang anyo ng pang-aabuso upang maisulong ang isang ligtas, disiplinado, at mapayapang kapaligiran para sa mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng bukas na talakayan, nabigyang-linaw ang mga katanungan ng mga kalahok hinggil sa mga umiiral na batas at mga mekanismo sa pagprotekta sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Patuloy namang nagsasagawa ang Isabela Cops ng mga information and education campaign at iba pang community engagement activities upang mapalawak ang kamalayan ng publiko sa mga batas at programang pangkaligtasan, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman” tungo sa isang ligtas, mapayapa, at mas matatag na komunidad para sa lahat.

Source: PNP Isabela

Leave a Reply