PNP Chief, inatasan ang mga pulis na manatiling walang kinikilingan at mapagmatyag kaugnay ng BARMM PE 2026

0
203

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga police personnel na naatasan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE) na manatiling walang kinikilingan, mapagmatyag, at propesyonal sa pagtupad ng kanilang tungkulin ngayong Setyembre 14, 2026.

Sa kanyang mensahe sa flag-raising ceremony, binigyang-diin ni PGen Nartatez na mahalagang yugto para sa Bangsamoro Region at sa buong bansa ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa rehiyon.

Iginiit ng PNP Chief na tungkulin ng mga pulis na pangalagaan ang mga botante at igalang ang proseso ng halalan, habang ginagampanan ang kanilang responsibilidad nang walang takot o kinikilingan.

Hinimok din niya ang mga personnel na maging maagap sa pagtugon sa mga botante at iba pang stakeholder na nangangailangan ng tulong ng pulisya.

“Let us remain impartial in our election duties, uncompromising on integrity, and responsive to those who need police assistance” (Manatili tayong walang kinikilingan sa ating mga tungkulin sa halalan, maging matatag sa pagpapanatili ng integridad, at maging maagap sa pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong ng pulisya), ani PGen Nartatez.

Hiniling niya sa buong kapulisan na ipagpatuloy ang kanilang commitment na matiyak ang isang mapayapa, maayos, at kapani-paniwalang halalan bilang bahagi ng pagsusulong ng adbokaiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply