Matagumpay na isinagawa ng Batanes Police Provincial Office (BPPO) at Commission on Elections (COMELEC)-Batanes ang Unity Walk, Interfaith Prayer Rally, Candidate Forum at Peace Covenant sa Sto Domingo Parish Church Basco, Batanes nito lamang ika-24 ng Pebrero 2025.
Pinangunahan ng Batanes PPO at COMELEC Batanes ang nasabing aktibidad kung saan dinaluhan ng Batanes PPO Provincial Director, Provincial Election Supervisor, Batanes DILG Provincial Director, Commander mula sa AFP, PCG at BFP, mga kinatawan mula sa National Government Agency at Local Government Unit, media personnel mula sa DWBT at mga kandidatong tumatakbo sa posisyong Gobernador, Bise Gobernadaor at Sangguniang Panlalawigan.


Sinimulan ang Unity Walk mula sa Provincial Capitol patungong Saint Dominic Parish Church, na nilahukan ng iba’t ibang sektor sa probinsya. Pinangunahan ang Interfaith Prayer Rally nina Rev. Fr. Ronaldo Manabat at Pastor Charles III ng Basco Baptist Church, bilang simbolo ng pagkakaisa anuman ang relihiyon.
Layunin ng aktibidad na matiyak ang patas, maayos, tapat, at mapayapang halalan sa darating na National and Local Elections 2025.
Ang matagumpay na pagdaraos ng aktibidad na ito ay patunay ng dedikasyon ng COMELEC-Batanes at Batanes PPO sa pagpapanatili ng isang malinis, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 2025. Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, inaasahang magiging modelo ang Batanes ng isang mapayapang eleksyon sa buong bansa.
Source: BPPO
Panulat ni Pat Michelline Ballada



