Aabot sa Php850,124.49 halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam at naaresto ang isang Indian National sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Martes, Mayo 12, 2026 sa Brgy. Kin-iway, Besao, Mountain Province.
Ayon kay Police Brigadier General Julio S. Lizardo, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region, ang suspek ay isang 33-anyos, lalaki, negosyante at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10643, o ang Graphic Health Warning Law, at Republic Act No. 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Narekober sa naturang operasyon ang 82 reams ng Modern Red cigarettes, 15 reams ng Modern Lights cigarettes, at 10 packs ng Modern Red cigarettes na nagkakahalaga ng Php850,124.49
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Besao Municipal Police Station; Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Legal Office ng Mountain Province Police Provincial Office; Regional Mobile Force Battalion 15; 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company; Regional Intelligence Unit 14; Regional Intelligence Division; PNP Criminal Investigation and Detection Group; at BIR.
Patuloy ang kampanya ng PRO CAR upang tuldukan ang smuggling sa bansa at nakaangkla sa adhikain na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



