Php748K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Iligan City; suspek, arestado

0
615

Arestado ang isang suspek at nakumpiska ang nasa Php748,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Saray, Iligan City, Lanao del Norte noong gabi ng Hulyo 11, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas Lando, 46-anyos, walang trabaho, at residente ng naturang barangay na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narekober sa naturang operasyon ang 110 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na Php748,000, buy-bust money, isang wallet, at coin pouch.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga miyembro ng Regional Police Drug Enforcement Unit Team 3, City Drug Enforcement Unit ng Iligan City, Regional Intelligence Unit Iligan, 1005th Maneuver Company ng RMFB 10, City Mobile Force Company, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10, at Iligan City Police Station 5.

Binigyang-diin ni PBGen Abrahano, na mananatiling agresibo ang PRO10 sa kampanya laban sa ilegal na droga, lalo na sa mga High-Value Individuals na patuloy na nagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot sa mga komunidad.

Leave a Reply