Php621K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Lasam, Cagayan; Mag-ama, arestado

0
36

Arestado ang mag-ama matapos makumpiskahan ng kabuuang 91.41 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na Php621,588 sa isinagawang buy-bust operation noong Setyembre 4, 2026 sa Lasam, Cagayan.

Kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na “Vin,” 43, may asawa, magsasaka, at “JM,” 20, binata, magsasaka, kapwa residente ng nasabing bayan.

Pinangunahan ang nasabing operasyon ng Provincial Intelligence Unit–Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLtCol Noriel U. Lacangan, katuwang ang mga tauhan ng Lasam Police Station at 3rd Maneuver Force Platoon, 2nd Cagayan Mobile Force Company, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cagayan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Kabilang dito ang 0.20 gramo na buy-bust evidence na nagkakahalaga ng tinatayang Php1,360 at dalawang sachet na possession evidence na tumitimbang ng 45.84 gramo at 45.37 gramo, na may tinatayang street value na Php311,712 at Php308,516, ayon sa pagkakasunod. Nakumpiska rin ang isang genuine na Php1,000 bill, anim na pirasong Php1,000 boodle money, isang itim na pouch, isang identification card, dalawang Android cellular phone, at isang kulay-abong Yamaha Sniper motorcycle. Agad na minarkahan at isinailalim sa imbentaryo ang mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga suspek at mga itinalagang saksi, kabilang ang mga halal na opisyal ng barangay at kinatawan ng Department of Justice (DOJ).

Patuloy ang Cagayano Cops sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na operasyon at koordinasyon sa mga katuwang na ahensya upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan, bilang bahagi ng adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Cagayan Police Provincial Office

Leave a Reply