Bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng 32nd National Crime Prevention Week, nagsagawa ng makabuluhang Feeding Program ang Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) Rosales Regional Based Command Post (RBCP) para sa mga batang mag-aaral ng Casanicolasan Integrated School sa Brgy. Casanicolasan, Rosales, Pangasinan noong Setyembre 3, 2026.
Tinatayang 150 mag-aaral ang nakinabang sa isinagawang feeding program. Bukod sa mga pagkaing kanilang natanggap, naging daan din ang aktibidad upang makapaghatid ng saya, pag-asa, at malasakit sa mga kabataang benepisyaryo.
Layunin ng programa na higit pang mapatatag ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad, lalo na sa mga kabataan na itinuturing na mahalagang katuwang sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang pamayanan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga gawaing pangkomunidad, ipinakikita ng Pangasinan 2nd PMFC na ang crime prevention ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas, kundi nagsisimula rin sa pagbuo ng tiwala, malasakit, pakikipag-ugnayan, at sama-samang pagkilos ng kapulisan at mamamayan.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: 2nd PMFC Pangasinan



