Php6.8M halaga ng shabu, nasabat ng Zamboanga City PNP at PDEA; tricycle driver, arestado

0
419

Arestado ang isang tricycle driver at nasabat ang nasa Php6.8 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi. Nito lamang Mayo 31, 2026.

Ayon kay Police Colonel Byron F Allatog, Provincial Director ng Tawi-tawi Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team – 4, Tawi-Tawi Police Provincial Office, 1st Special Operation Unit PNP Maritime Group, Bongao Municipal Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company, 1405th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 14B, 51st Special Action Company Philippine National Police Special Action Force, Coast Guard Intelligence Unit Central Tawi-Tawi, Coast Guard Intelligence Unit Western Tawi-Tawi, National Intelligence Coordinating Agency BARMM, Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operating Unit 15, at Provincial Intelligence Unit Tawi-Tawi Police Provincial Office.

Kinilala ang suspek na si alyas “Utoh”, 27 anyos, residente ng naturang lugar at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon ng PNP at PDEA ay sumasalamin sa patuloy na pagpapatupad ng mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply