Arestado ang dalawang suspek at nasabat ang nasa mahigit Php1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Poblacion, Lupon, Davao Oriental nito lamang Martes, Hunyo 2, 2026.
Ayon kay Police Colonel Joseph A Fajardo Jr., Officer-In-Charge ng Davao Oriental Police Provincial Office, narekober sa dalawang suspek ang nasa tinatayang Php1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu, iba pang non-drug items, at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Davao Oriental PNP sa pagpuksa sa ilegal na droga sa komunidad, alinsunod sa layuning mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang kapakanan ng bawat mamamayan na naaayon sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



