Php598K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat ng Quezon PNP; lalaki, arestado

0
27

Nasabat ang nasa Php598,400 halaga ng hinihinalang shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaking suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon Police Provincial Office nito lamang Agosto 4, 2026 sa Purok Tulungan, Brgy. Cotta, Lucena City, Quezon Province.

Ayon kay Police Colonel Romulo A Albacea, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek ay kinilalang si alyas Edron, 35 taong gulang, residente ng Sitio Curba, Brgy. Castañas, Sariaya, Quezon na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na narekober sa naturang operasyon humigit-kumulang 88 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may Standard Drug Price na tinatayang Php598,400, buy-bust money, isang belt bag, personal na pera na nagkakahalaga ng Php100, at isang Honda TMX motorcycle

Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan. Sa tulong ng ating mga operatiba at ng pakikiisa ng publiko, nananatili tayong matatag sa pagpapatupad ng batas at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Quezon. saad ni PCol Albacea.

‘Source Quezon Police Provincial Office

Leave a Reply