Arestado ang apat na indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba na nagresulta sa pagkakasabat ng nasa Php455,000 na halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa Purok 7, Brgy. Poblacion, Governor Generoso, Davao Oriental nito lamang Oktubre 17, 2026.
Ayon kay PBGen Benigno L Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 11, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga operatiba ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao Oriental Provincial Field Unit, Regional Intelligence Unit 11–Provincial Intelligence Team Davao Oriental at Governor Generoso Municipal Police Station.
Kabilang sa mga naarestong suspek ang isang aktibong tauhan ng Philippine National Police (PNP), na nahuling nagbebenta ng mga produktong Greenhill brand ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na walang kinakailangang graphic health warnings.
Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa Php455,000, 49 ream ng Greenhill brand; anim na master case ng sigarilyong Greenhill; dalawang piraso ng itim na tela; isang Vivo cellular phone; isang PNP identification card; isang puting Tecno cellular phone; isang Infinix cellular phone; isang pitaka; dalawang handheld radio na may tatak Baofeng; isang pakete at tatlong karagdagang pakete ng sigarilyong Portman; isang susi ng ignition at isang duplicate na susi ng ignition para sa Toyota Tamaraw FX; isang susi ng ignition para sa Yamaha Mio motorcycle; isang Yamaha Mio motorcycle; isang Toyota Tamaraw FX; ang official receipt at certificate of registration ng Toyota Tamaraw FX; at isang notebook ledger.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 6, 7, at 11, kaugnay ng Section 14(b), ng Republic Act No. 10643, o Graphic Health Warnings Law, at Section 263 ng Republic Act No. 8424, o National Internal Revenue Code of 1997.
“The successful operation highlights the continuing commitment of PRO 11 to Crime Solution through intensified law enforcement, coordinated operations, and the pursuit of accountability against individuals involved in illegal activities. It also underscores the importance of inter-agency collaboration in curbing the unlawful trade and distribution of cigarette products, protecting public health, and ensuring compliance with applicable laws.” (Ipinakikita ng matagumpay na operasyong ito ang patuloy na paninindigan ng PRO 11 sa pagsugpo sa krimen sa pamamagitan ng pinaigting na pagpapatupad ng batas, koordinadong mga operasyon, at pagpapanagot sa mga indibidwal na sangkot sa mga ilegal na gawain. Binibigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya sa pagsugpo sa ilegal na kalakalan at pamamahagi ng mga produktong sigarilyo, pangangalaga sa kalusugan ng publiko, at pagtiyak ng pagsunod sa mga umiiral na batas), pahayag ni RD Guzman.
Source: Police Regional Office 11

