Php442K halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

0
834

Nasabat ng Cebu City PNP ang tinatayang Php442,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Nivel Hills, Barangay Busay, Cebu City, noong ika-12 ng Nobyembre 2025.

Ayon kay PMaj Eric Cabuslay Gingoyon, Station Commander ng Police Station 4, Cebu City Police Office, bandang 11:06 ng gabi nang ikinasa ng mga awtoridad ang naturang operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng HVI na suspek na si alyas “Paner”, 35-anyos na residente ng naturang lugar.

Nasabat mula sa suspek ang limang paketeng hinihinalang shabu na may timbang na 65 gramo at may Standard Drug Price na Php442,000, buy-bust money, at isang sling bag.

Samantala, ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang matagumpay na operasyon ng mga kapulisan ay patunay lamang ng kanilang dedikasyon upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad para sa isang Bagong Pilipinas.