Wednesday, May 15, 2024

Php4.5M halaga ng shabu, nakumpiska

Kalaboso ang isang High Value Individual matapos makuhanan ng aabot sa Php4.5 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay San Rafael, Mandurriao, Iloilo City, nitong ika-29 ng Marso 2024.

Pasado alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang operasyon ng mga operatiba mula sa Station Drug Enforcement Team ng Mandurriao Police Station, kasama ang RPDEU6, CDEU-ICPO, Arevalo PNP at SWAT-ICPO.

Kinilala ni Police Colonel Joeresty Coronica, City Director ng Iloilo City Police Office, ang suspek na si alyas “Blue”, 33 anyos, at residente ng Dumangas, Iloilo.

Ayon kay PCol Coronica, narekober sa posesyon ng drug suspek ang 11 plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu, kabilang ang buy-bust item na may kabuuang timbang na 225 gramo, at ang Php17,000 na buy-bust money.

Ang mga drogang nakumpiska ay may Street Value na nagkakahalaga ng Php4,500,000 at may Market Value naman na nagkakahalaga ng Php1,530,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon ng kapulisan ay nagpapatunay lamang ng dedikadong pagpapatupad ng batas at sa seryosong kampanya ng pamahalaan upang labanan ang ilegal na droga para sa kaayusan at kaligtasan ng mamamayan.

Source: Iloilo City Police Office

Panulat ni Pat Brent Marx Ngaya-an

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,140SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles