Php4.2M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasamsam ng PNP Maritime Group sa Pangasinan

0
148

Nasabat ng mga tauhan ng Regional Maritime Unit 1 (RMU 1) at Bureau of Customs–Sual ang tinatayang Php4,205,000 halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Inansuana, Brgy. Lucap, Alaminos City, Pangasinan nito lamang Sabado, Oktubre 3, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Rommel S Batangan, Acting Director, PNP Maritime Group, nasabat sa naturang operasyon ang nasa 2,899 reams ng assorted na smuggled na sigarilyo kabilang ang Modern at Kingpen brand na may tinatayang kabuuang halaga na aabot sa Php4,205,000, dalawang sasakyan at tatlong cellular phones mula sa limang indibidwal na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10643 (Graphic Health Warnings Law), Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), at Republic Act No. 8424 (National Internal Revenue Code of 1997).

Bilang patuloy na pagtugon sa bawat banta sa seguridad at ilegal na kalakalan, isinusulong ng PNP ang adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: serbisyong mabilis, tapat, at Nararamdaman,” para sa isang mas ligtas, maunlad, at mapayapang lalawigan ng Pangasinan.

Source: PNP Maritime Group
https://www.facebook.com/share/p/1CEU1uCaBX/

Leave a Reply