Php389K halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng Pantar PNP; drayber, arestado

0
39

Nasabat ng mga tauhan ng Pantar Municipal Police Station ang Php389,000 halaga ng smuggled na sigarilyo sa isinagawang checkpoint operation sa Brgy. Campong, Pantar, Lanao del Norte bandang 200 ng madaling-araw nito lamang Huwebes, Hunyo 25, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “Wawai,” 18 anyos, residente ng Brgy. Bangco, Marawi City, Lanao del Sur.

Nabatid na galing sa Marawi City at papuntang Iligan City nang naharang ang sasakyan na walang maipakitang driver’s license, Official Receipt at Certificate of Registration o OR/CR sa kapulisan at tumambad ang ilang box ng mga smuggled na sigarilyo na wala ring kaukulang dokumento.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act matapos na marekober ang nasa 487 reams ng Modern Red cigarettes na nagkakahalaga ng Php389,600.

 “As we sustain our efforts to strengthen border control and prevent the entry of smuggled goods in Northern Mindanao, we urge all personnel to remain alert and intensify checkpoint operations against all forms of illegal trade,” ani ni PBGen Abrahano.

Source RPIO PRO10

Leave a Reply