Nasabat ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php680,000, na nagresulta sa pagkakadakip ng isang lalaki sa ikinasang joint buy-bust operation sa Brgy. Saray, Iligan City, Lanao del Norte, nito lamang Hunyo 24, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “Ro,” 45 anyos, walang trabaho, residente ng naturang lugar, na nahulihan ng siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na tumitimbang ng 100 gramo na nagkakahalaga ng Php680,000, buy-bust money, iba pang non-drug parapahernalia at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Iligan City Police Office – City Drug Enforcement Unit, Iligan City Police Station 5, Iligan City Mobile Force Company, at PDEA-10,
“PRO 10 remains firm in its intensified campaign against illegal drugs, especially against High Value Individuals. We will sustain operations to dismantle drug networks and ensure Northern Mindanao remains free from illegal drug activities. All violators will be held fully accountable under the law,” pahayag ni RD Abrahano.



