Php340K hinihinalang shabu, nakumpiska ng Cebu CPO, dalawang drug personality, arestado

0
444
Screenshot

Arestado ang dalawang drug personality habang nakumpiska ang tinatayang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na aabot sa Php340,000 sa isinagawang buy-bust operation ng Cebu City Police Office (CPO), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7), noong gabi ng October 29, 2026, sa Langub, Brgy. Kalunasan, Cebu City.

Pinangunahan ang operasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Police Station 9 ng Cebu CPO na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kabilang sa narekober sa operasyon ang ilang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng parehong shabu, anim na piraso ng Php1,000 bills na ginamit bilang buy-bust money, at isang black coin purse na pinaglalagyan ng ilegal na droga. Agad namang dinala ang mga nakumpiskang ilegal na droga sa Cebu City Forensic Unit 7 para sa karagdagang mga laboratory examination.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Cebu City Police Station 9, ang dalawang suspek para sa iba pang mga legal na dokumento at proseso.

“We will not allow illegal drugs to threaten the safety of our communities. We will continue to pursue those involved in the drug trade and strengthen our efforts to protect every Cebuano family” (Hindi natin hahayaang maging banta ang mga ilegal na droga sa kaligtasan ng ating mga komunidad. Patuloy nating tutugisin ang mga sangkot sa kalakalan ng droga at paiigtingin ang ating mga pagsisikap upang protektahan ang bawat pamilyang Cebuano,) giit pa ni PCol Ricky C Sumalde, Acting City Director ng Cebu CPO.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19WwPLjbz8/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply