Nakumpiska ang tinatayang Php340,000 halaga ng shabu mula sa dalawang High Value Individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Misamis Oriental Police Provincial Office nito lamang Oktubre 5, 2025 sa Zone 5, Sitio Vencer, Barangay Linggangao, Balingasag, Misamis Oriental.
Kinilala ni Police Brigadier General Rolindo M. Suguilon, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Jun ”, 27 anyos, at “Mike” 32 anyos at kapwa residente ng naturang barangay.
Bandang 2:37 ng madaling araw isinagawa ang operasyon at nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php340,000, kasama ang Php500 bill bilang buy-bust money.
Hindi titigil ang PRO 10 sa pagpapatupad ng kampanya laban sa iligal na droga upang matiyak ang mapayapa at ligtas na pamayanan sa rehiyon.



