Monday, May 20, 2024

Php3.2M halaga ng shabu nasabat sa 24 Oras na Drug Operation

Ipinaabot ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Police Major General Jose Melencio C Nartatez Jr, ang kanyang papuri sa mga dedikadong operatiba na sangkot sa kamakailang 24-hour drug sting operation, na nagresulta sa makabuluhang pagkahuli sa 18 drug personalities at pagkakasamsam ng humigjt-kumulang sa 483.2 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may Standard Drug Price na Php3,284,672 milyon sa magkakahiwalay na operasyon sa buong rehiyon nito lamang ng Abril 25-26, 2024.

Ayon kay PMGen Nartatez Jr, sa Quezon City, ay nahuli ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (PS3) ang isang Child in Conflict with the Law (CICL) bandang alas-6:55 ng gabi ng parehong petsa na nagresulta sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php1,020,000 at 10 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng Php15,000. Dinala ang suspek sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng PS-3, QCPD para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.

Sa isa pang buy-bust operation, naaresto naman ng QCPD, PS8 ang suspek na si alyas “Jonayrah,” isang high value target kung saan nakumpiska ang tinatayang 110 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php748,000. Nadakip din ng mga elemento ng PS7-QCPD si alyas “Alexis” na nasamsam ang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php20,400.

Dagdag pa, naaresto din ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDSU) at SDEU ng Southern Police District ang apat na drug personalities sa magkahiwalay na buy-bust operations. Kinilala ang mga suspek na sina Elizabeth, Kelly, Saiden, Raymar (High Value Individual Pusher), alyas Balong at Jomike Padayao. Ang pinagsamang mga nakumpiskang hinihinalang shabu ay halos 87.3 gramo na may halagang Php593,640.

Kaugnay nito, sa magkahiwalay na drug operation ng mga elemento ng SDEU-Eastern Police District ay nahuli ang pitong drug personality at nasamsam ang halos Php792,200 halaga ng shabu na humigit-kumulang 116.5 gramo. Kinilala ang mga suspek na sina Arjay, Tangtang, alyas Biik, Lindsey, Lucky, Mark Anthony at Remark.

Sa Northern Police District naman nadakip ng mga elemento ng Malabon City Police Station ang dalawang drug personalities na may humigit-kumulang 16.24 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php110,432. Ang mga naarestong suspek ay sina Jay-ar at Rizaldy.

Paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek.

“Sa pamamagitan ng walang humpay na pagsisikap, patuloy tayong gagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at kagalingan ng ating mga mamamayan. Ang Team NCRPO ay muling pinagtitibay ang kanilang pangako na paigtingin ang anti-drug operations at hinihimok ang publiko na manatiling mapagbantay at kooperatiba sa kampanya laban sa ilegal na droga,” ani PMGen NartateZ.

Source: RPIO NCRPO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,140SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles