Php292K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska ng Misamis Oriental PNP; dalawang suspek, arestado

0
24

Arestado ang dalawang lalaking suspek matapos makumpiskahan ng 42.95 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php292,060 sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Calatrava, Brgy. Cogon, Balingasag, Misamis Oriental noong Oktubre 23, 2026.

Kinilala ang mga naaresto bilang si alyas “Lyca,” 30 anyos, residente ng Sitio Calatrava, Brgy. Cogon, Balingasag, Misamis Oriental at si alyas “Pol,” 31 anyos at residente ng Brgy. 6, Balingasag, Misamis Oriental na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isinagawa ang operasyon ng Balingasag Municipal Police Station, katuwang ang 1001st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10 at 1st Provincial Mobile Force Company ng Misamis Oriental Police Provincial Office.

Bukod sa hinihinalang shabu, nakumpiska rin ang buy-bust money at drug paraphernalia.

Hinihikayat ni PBGen Nestor C Babagay Jr., Regional Director ng Police Regional Office 10, ang publiko na manatiling mapagmatyag at iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang sama-samang maprotektahan ang komunidad laban sa ilegal na droga.

Samantala, ipagpapatuloy ng Misamis Oriental Police Provincial Office ang pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pinaigting na operasyon at pakikipagtulungan sa komunidad. Naninindigan ang PNP na ang sama-samang pagkilos ng mga awtoridad at mamamayan ay mahalaga upang mapigilan ang pagkalat ng ilegal na droga, mapanatili ang kapayapaan, at matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilya na naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply