Arestado ang dalawang suspek matapos makumpiska ang tinatayang 40 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Misamis Oriental, katuwang ang Tagoloan Municipal Police Station (MPS) at 1st Misamis Oriental Provincial Mobile Force Company, nito lamang Setyembre 8, 2026 sa Purok 2B, Brgy. Casinglot, Tagolan, Misamis Oriental.
Kinilala ni Police Colonel Al M Abanales, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office (PPO), ang dalawang suspek na sina alyas “Kulot,” at “Exan,” pawang residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang 40 gramo na nagkakahalaga ng Php272,000 na may standard drug price na Php272,000, isang cellphone, itim na belt bag, buy-bust money. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Binigyang-diin ni PCol Abanales, na patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen na may banta sa seguridad ng mga komunidad na napapaloob sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.
Source PCADG Northern Mindanao

