Naglunsad ang mga tauhan ng Monkayo Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng liderato ni Police Captain Mark Glyceryl Amor G Garcia, Officer-In-Charge, katuwang ang Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) Cluster 4, ng lecture para sa mga mag-aaral ng Union National High School sa Monkayo, Davao de Oro hinggil sa anti-bullying at school safety awareness kabilang ang mga nararapat na hakbang sa panahon ng active shooter o armed-threat incident noong Setyembre 8, 2026.
Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng pag-iwas sa bullying, paggalang sa kapwa, responsableng pag-uugali, at agarang pag-uulat sa mga awtoridad ng anumang kahina-hinalang kilos.
Binigyang-diin din sa mga mag-aaral ang “Run, Hide, Tell” bilang gabay sa mga sitwasyong may armadong banta, habang pinapaalalahanang unahin ang sariling kaligtasan, manatiling kalmado, humanap ng ligtas na lugar, sundin ang mga tagubilin ng school authorities, at huwag komprontahin ang armadong indibidwal.
Layunin ng inisyatibang ito na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa bullying prevention at emergency preparedness, gayundin ang patuloy na pagpapatibay ng ugnayan ng PNP at mga paaralan para sa isang ligtas, maayos, at child-friendly learning environment na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source Monkayo Municipal Police Station

