Php238K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Libmanan, CamSur

0
110

Isang 21-anyos na lalaki ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Police Regional Office 5 (PRO5) matapos umanong masangkot sa ilegal na bentahan ng droga sa Brgy. Handong, Libmanan, Camarines Sur, noong Hulyo 7, 2026, dakong 2:18 ng madaling-araw.

Pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Camarines Sur Police Provincial Office ang operasyon bilang lead units, sa pakikipagtulungan ng Libmanan Municipal Police Station (MPS) at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency–Regional Office V (PDEA RO V). Samantala, kinilala ang naarestong suspek na may alyas na “Mac,” 21 taong gulang.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang timbang na 35 gramo at standard drug price na Php238,000.00.

Narekober din ng mga operatiba ang buy-bust money at iba pang mga bagay na may kaugnayan sa isinagawang operasyon.

Agad na isinagawa ng mga operatiba ang tamang pagmamarka, imbentaryo at dokumentasyon ng mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa harap ng naarestong suspek at mga kinatawang itinakda ng batas, bilang pagsunod sa mga itinakdang legal na pamamaraan sa paghawak ng ebidensya.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Libmanan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Patuloy na pinaiigting ng Police Regional Office 5 ang kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng PNP Focused Agenda sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations, na naglalayong mabuwag ang mga operasyon ng mga sangkot sa ilegal na droga at maprotektahan ang mga komunidad laban sa mapaminsalang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito T. Miranda, Regional Director, PRO5, muling tiniyak ng himpilan ang patuloy na pagsasagawa ng intelligence-driven at law enforcement operations upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at maisulong ang isang ligtas, mapayapa, at drug-free na Bicol Region alinsunod sa bisyon ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply