Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Pasig City Police Station at nakumpiska ang Php225,000 halaga ng marijuana nito lamang umaga ng Sabado, Mayo 30, 2026 sa Esguerra Street, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Kinilala ni Police Colonel Hendrix B Mangaldan, Hepe ng Pasig CPS, ang mga suspek na sina alyas “JB”, 29 anyos, residente ng Brgy. Caniogan, Pasig City, at alyas “Kalbo”, 22 anyos, residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 150 gramo ng hinihinalang marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng Php225,000, buy-bust money at iba pang non-drug items.
Pinuri ni PCol Mangaldan ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon sa trabaho pati na rin ang pagtulong at suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig lalong-lalo na ang Brgy. Pinagbuhatan sa patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga, alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



