201st Maneuver Company, nagbigay ng paunang lunas sa biktima ng aksidente sa Ilagan, Isabela

0
161

Matagumpay na narespondehan ng mga tauhan ng 201st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2) ang isang insidente ng aksidente sa Barangay Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela noong Mayo 30, 2026, kung saan agad nilang nabigyan ng paunang lunas ang isang sugatang biktima.

Agad na umaksyon ang mga kapulisan matapos makatanggap ng ulat hinggil sa insidente bandang alas-9:00 ng umaga. Pagdating sa lugar, natagpuan nila ang biktima na nagtamo ng mga sugat, kaya’t agad na binigyan ng paunang lunas ni Patrolman Angelito Cureg.

Matapos malapatan ng kinakailangang first aid, maingat na inasikaso at dinala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan upang mabigyan ng karagdagang medikal na atensyon.

Layunin ng ganitong agarang pagtugon na mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng mamamayan sa oras ng emergency at sakuna.

Ipinakikita rin nito ang kahandaan at dedikasyon ng kapulisan sa paglilingkod at pagprotekta sa komunidad sa anumang oras ng pangangailangan.

Source: 201st MC, RMFB 2

Leave a Reply