Nasabat ang nasa mahigit Php21.4 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang sea-borne law enforcement operation sa baybayin ng Siay, Zamboanga Sibugay nito lamang Biyernes, Hulyo 3, 2026.
Ayon kay Police Brigadier Crisaleo R Tolentino, Director, PNP Maritime Group, narekober ang nasa 357 master cases ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na aabot sa halagang Php21,847,500 dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng PNP Zamboanga Sibugay Maritime Police Station.
Nabatid na ang apat na suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Sabotage Act at Republic Act No. 10643 (Graphic Health Warnings Law).
Bahagi ang operasyon ng patuloy na pagpapatupad ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.” Sa pamamagitan ng mas pinaigting na intelligence-driven operations at pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya, nananatiling matatag ang Philippine National Police sa pagsugpo sa ilegal na kalakalan at sa pangangalaga sa kapakanan ng mamamayan at ng komunidad.



