Nasabat ang nasa Php20.4 milyong halaga ng shabu, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City, nito lamang Abril 24, 2026.
Kinilala ni Police Colonel Fidel B Fortaleza Jr., City Director ng Zamboanga City Police Office, ang suspek na si alyas “Rudy,” 39 anyos, may-asawa, walang trabaho, residente ng Bongao, Tawi-Tawi; at alyas “Boss Al,” 28 anyos, may-asawa, walang trabaho, residente ng Barangay Dao, Pagadian City na nakuhanan ng mga otoridad ng nasa mahigit kumulang tatlong kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa tatlong vacuum-sealed transparent plastic packs at iba pang non-drug items.

Nahaharap ngayon sa kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang mga suspek.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Special Enforcement Team 1, RSET 2, PDEA Zamboanga City Office, DI TOW-WM PAF, Zamboanga City Police Office at Naval Intelligence and Security Group (NISG).
Ang PNP, katuwang ang PDEA, ay nanindigan sa pagpapatupad ng mas pinaigting at pinalawak na mga operasyon kontra sa lahat ng uri ng krimen, partikular na sa pagtugis sa lahat ng mga indibidwal na sangkot sa sirkulasyon ng iligal na droga.



