Php2.18M halaga ng smuggled na sigarilyo, narekober ng Marantao PNP mula sa inabandonang karton sa gilid ng kalsada

0
120

Narekober ang tinatayang Php2.18 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo mula sa inabandonang mga karton sa gilid ng kalsada sa ikinasang anti-criminality checkpoint operation sa Barangay Tacub Pindolonan, Marantao, Lanao del Sur nito lamang Hunyo 28, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Christopher M Abecia, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Marantao Municipal Police Station mula sa isang Barangay Kagawad at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) na may ilang indibidwal na sakay ng isang itim na Mitsubishi Triton pickup, isang itim na Toyota Innova, at isang kulay-abong Nissan Navara na nagtapon ng ilang karton sa gilid ng kalsada bago makarating sa police checkpoint.

Narekober ng pulisya ang nasa 51 kahon na naglalaman ng 2,550 reams ng pinaghihinalaang smuggled na sigarilyo na may mga tatak na Marvel, Twins, Mighty, at Winnsboro na umaabot sa halagang Php2,181,984.

 “This operation demonstrates the value of the strong partnership between PRO BAR and the LGU of Marantao. By working together, we can effectively disrupt illegal activities and strengthen our campaign against smuggling. We remain committed to sustaining this collaboration to ensure safer and more secure communities throughout the Bangsamoro Region,” saad ni PBGen Abecia.

Leave a Reply