Php13.6M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat ng PDEA at PNP sa Maguindanao del Norte; driver, arestado

0
155

Arestado ang isang driver at nasabat ang nasa Php13.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Duran Checkpoint, Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang Hunyo 28, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher M Abecia, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, ang suspek na isang 42 anyos, dating sundalo, residente ng Cotabato City na nakuhanan ng dalawang pirasong kulay ube na Chinese tea bags na may markang 888 na naglalaman ng humigit-kumulang 2 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php13.6 milyon, Android cellphone, Suzuki Ertiga na may plakang NOV 2519, buy-bust money, wallet na may Php620 cash, dalawang ID, Cebu Pacific invoice at boarding pass, at isang susi.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Maguindanao del Norte, PDEA BARMM SIU, 1401st Maneuver Company ng RMFB-14A, at Parang Municipal Police Station.

Ang matagumpay na operasyon ng PNP at PDEA ay sumasalamin sa patuloy na pagpapatupad ng mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply