Php1M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat mula sa 5 suspek sa Taguig City; drug den, nabuwag

0
178

Nasabat ang nasa Php1 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa limang suspek at nabuwag ang isang drug den sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Central Bicutan, Taguig City nito lamang Linggo, Agosto 16, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Oliver C Cinco, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alias Jemai, 34 anyos; alias Mohaimen, 37 anyos; alias Moonderf John, 32 anyos; alias Mark Anthony, 41 anyos, at alias Erwin, 60 anyos, na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale), Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 11 (Possession), at Section 26 (Conspiracy), Article II of Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na nakabili ang isang undercover officer mula kay alias Jemai ng hinihinalang shabu at narekober sa naturang operasyon ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 160, na nagkakahalaga ng Php1,088,000, buy-bust money na napapaloob sa isang white envelope at isang white Android mobile phone.

Pinuri ni PBGen Cinco, ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) at ang mga operatiba sa matagumpay na pagbuwag sa isang drug den at pagputol sa daloy ng isang malaking network ng ilegal na droga sa nasasakupang lugar. Kinilala niya ang husay at maayos na koordinasyon ng grupo sa kanilang operasyon, at binigyang-diin ang patuloy na pagsisikap ng SPD na buwagin ang mga drug den, hulihin ang mga high-value na personalidad na sangkot sa droga, at protektahan ang mga komunidad laban sa banta ng ilegal na droga.

Leave a Reply